TEO ANTONIO
All rights reserved. Filipino Globe
|
Sari-saring kuwento mula sa abroad
MANILA
Naging suking weyter ko si Duds sa iniinuman
naming ihawan sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong.
Isang malaking tolda ito na di na kailangan ang air-
con. Tagos-tagusan ang hangin at maraming
pulutang inihaw kung kaya kung tawagin
ito’y Tolda Grill.
Minsa’y may ilang buwan ding nawala si Duds at
nabalitaang kong nagpunta sa Qatar. Weyter din daw
ang trabaho at malaki ang suweldo.Natuwa rin ako’t
nakipagsapalaran si Duds sa pagtratrabaho sa ibang
bansa.
Naganyak siyang mangibang bansa dahil ang mga
kapwa weyter na kaibigan niya ay umasenso nang
mangibang bansa.
Si Caloy na kaibigan na ang asawa ay isang titser ay
nakapagtrabahong weyter sa California.Nakaipon at
nang magbalik ay nakapagpagawa ng magandang
bahay.
Gayundin si Jim na umalis noon sa gulang na 19 na
taon, nakapag-asawa na nagtratrabaho sa “call
center.”
Lumipas ang siyam na taon sa pagtratrabaho sa
Saudi ay nakapagpatayo rin ng magandang bahay sa
Mandaluyong at umasenso ang buhay.
Si Jojo na suki ko rin sa inumang ito ang hindi
sinuwerte. Ang ginastos niyang 25,000 piso na
inutang ay nadugas ng ilegal rekruter.
Kaya’t hangga ngayon ay binabayaran niya ang
inutang at nangangarap pa ring makapagtrabaho sa
ibang bansa.
Tunay na ang pagtratrabaho sa ibang bansa ng
manggagawang Pilipino ay di sinusuwerteng lahat.
May umuuwing tagumpay at ang iba’y naloloko ng
ilegal rekruter.
Matagal ding nagtrabaho si Duds na weyter sa Qatar.
Pero hindi inabot ng isang taon. Ang ilang buwan
niyang pagtratrabaho sa ibang bansa ay kung bakit
biglang nagbalik si Duds sa sariling bayan.
Nagulat ako nang muli siya ang weyter na
umaasikaso sa akin. Wala akong inisip kung bakit
nagbalik si Duds.
Pero habang umiinom ako ng malamig na serbesa ay
nagka-kuwentuhan kami.
Nasabi ni Duds na tinamaan siya ng matinding
lungkot at pangungulila sa pamilya. Apat ang anak at
maliliit pa.
Nasa elementarya ang dalawang lalaki at ang
dalawang babae ay alagain pa. Empleyada sa
pribadong opisina ang kanyang asawa.
Matinding lungkot o “homesickness” ang
nararamdaman ng maraming OFW pagdating sa
ibang bansa. Pero si Duds ay hinangaan ko, dahil
mas pinili niyang manatili sa piling ng pamilya.
Nasabi niya sa akin, “Sir, di baleng gumapang sa
hirap, kasama ko naman ang aking pamilya. Di ba
sir?”
Ngumiti ako at sinabing, “Tama ka.”
May kanya-kanyang paniniwala ang bawat Pilipinong
nagtratrabaho sa ibang bansa. Ang iba’y nilalabanan
ang matinding lungkot upang matupad ang pangarap
na umunlad ang kabuhayan.
Mas nakararami sa ating kababayan ang nagtitiis
upang labanan ang paghihirap sa sariling bansa.
Katwiran nila’y dadalawin ka rin ng lungkot at
kawalang pag-asa sa ating bansa.Mas masarap
makipagsapalaran at makakita ng magandang
pagkakataon ay limpak-limpak na salapi ang maiuuwi
sa pamilya.
Pero bawat pangarap na pag-unlad ay may kapalit.
Maraming pamilyang Filipino ang nagkakahiwalay sa
pag-alis ng ama o ina upang magtrabaho sa ibang
bansa.
Umuuwi minsan ang isang amang OFW na malaki na
anak na noo’y sanggol pa nang iwan.halos hindi na
siya kilala ng iniwang anak sa pagbabalik.
Sa mahaba-habang bakasyon ng ama, doon niya
pupunuin ng pagmamahal ang anak at
mararamdaman ang init ng kanyang pagmamahal.
Walang kapalit ang pamilyang lagi’t laging naroroon
sa tabi mo.
Pero ang muling pagdalaw ng lungkot ay darating sa
mag-anak ng umuwing ama mula sa pagtratrabaho
sa ibang bansa. Magpapalam siya sa anak na
nakilala na siya.Aalis siya upang bigyan ng
magandang kinabukasan ang buong pamilya.
Sa paghahatid ng pamilya sa airport ay mababasa ng
masaganang luha ang pagpapaalaman ng aalis na
ama. Doon muling dadalaw ang matinding lungkot sa
aalis at iiwan.Matagal bago malimutan ang lungkot na
iyon.
Hanggang sa paglipas ng mga buwan at taon ay
matanggap na, nang umalis at iniwan na bahagi ng
kanilang buhay ang mahabang paglalayo at
pagkakahiwalay sa ama o inang nagtratrabaho sa
ibang bansa.
Tunay na ang
pagtratrabaho
sa ibang
bansa ng
manggagawan
g Pilipino
ay di
sinusuwerten
g lahat.May
umuuwing
tagumpay at
ang iba’y
naloloko ng
ilegal rekruter
Ang kaibigan kong weyter sa Qatar
filglobe.com
filipino globe online edition
ITAAS MO
|
|
|
Teo Antonio says the OPF is coming -- and fast
|
|
DIMSUM
|
|
|
Isabel Escoda cheers a jovial jolly lot
|
|
HOME VIEW
|
|
|
What's spooking Alan C Robles?
|
|
|
|
LAUNCH EDITION Click on image to view our flagship monthly publication
|
|
|
PRESS RELEASES Click on image to submit press release or pictures of events
|
|
|
THE BIG PICTURE Click on image to submit your photo or essay
|
|
|
|
Click on image to submit your questions
|
|
Jun Cañete is a
man of many
talents
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Golden Gate Wine Ltd Hong Kong
|
|
|
Her Highness Properties Philippines
|
|
|
|
Janet & Grace beauty Salon Hong Kong
|
|
|
J&D Health Concepts Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
|
Moneygram Money Transfer Hong Kong
|
|
|
Orient First Capital Hong Kong
|
|
|
PNB Remittance Center Ltd Hong Kong
|
|
|
|
PLDT Smart Padala Hong Kong
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Prime Gold Hong Kong
|
|
|
|
SmarTone Barkadahan Hong Kong
|
|
|
WOW Philippines Department of Tourism
|
|
|
Xocai Chocolates Philippines
|
|
BPI Remittance
Center Ltd
Hong Kong
AFreight
Door-to-door
Hong Kong