Miguel Molina pasok na sa Olympics
CELESTE MARING MANILA
Sanggol pa lamang si Miguel Molina nang
maisipan ng kanyang ama na ilagay siya sa
bathtub na puno ng tubig. Sa halip na matakot,
tuwang-tuwa na lumutang at tila lumalangoy na
agad si Molina, isang patunay na ipinanganak nga
siya upang lumangoy.
Muli, ipinamalas ni Molina, tinagurian sa ngayon na
“Prinsipe ng swimming sa Pilipinas,” ang kanyang
husay sa sport ng maging unang Pilipino na
makakuha ng tiket papunta sa Beijing Olympics na
gagawin sa Agosto ng susunod na taon.
Nakamit ni Molina, Southeast Asian (SEA) Games
triple gold winner, ang karangalan na makasiguro
ng slot sa Olympic team nang magsumite ng oras
na dalawang minuto at 03.73 seconds sa men’s
200-meter individual medley sa World
Championships sa Melbourne, Australia.
Itinakda ng Fina, ang world governing body sa
aquatics, ang qualifying time sa dalawang minuto
at 05.65 seconds para sa mga gustong
makasama sa Beijing Olympics sa susunod na
taon.
Isa si Molina sa tatlong best performing athletes sa
2005 SEA Games na idinaos sa Maynila
makaraang manalo ng tatlong gintong medalya sa
swimming.
Bunga ng pagkakakwalipika ni Molina,
kasalukuyang nagsasanay sa Estados Unidos, sa
2008 Olympics, umangat ang kanyang
pandaigdigang ranking sa 24th mula sa dating
puwesto na 30th.
Kahit pa lumaki si Miguel Molina sa Estados
Unidos, pinili pa rin nito na lumangoy sa Olympics
para sa Pilipinas.
Ang kanyang dahilan, mahal niya ang Pilipinas.
Ipinanganak si Molina sa Quezon City pero
pumunta ang kanyang mga magulang na sina
Tomas at Mitos Molina sa Tokyo, Japan nang siya
ay tatlong taong gulang pa lamang bago siya nag-
aral sa California.
Nagsimula siyang lumangoy noong siya ay anim
na taong gulang pa lamang at ang unang torneo
na kanyang sinalihan ay isang swimming
competition para sa first grade school.
“I’ll be swimming for the Philippines in the 200 IM
(individual medley). Mostly all my relatives live in
the Philippines, except for two of my aunts. For the
most part, my aunts and uncles and grandparents
are in the Philippines,” wika nito.
Ipinagmamalaki niya ang kanyang performance sa
200 individual medley na ayon sa kanya ay isa sa
paborito niyang event.
“I have 2:04.9 in the 200 IM, 1:52.8 in the 200 free
and 2:20.8 in the 200 breast. I think one of my best
event is the 200 IM, but it is going to be really
tough competition.
“Since the last Olympics, the IM is one of the
disciplines in swimming that has improved the
most in four years,” wika nito.
Ngayon pa lamang ay aminado na si Molina na
sabik na siya sa kompetisyon kahit pa pinipilit
niyang hindi muna isipin ang 2008 Olympics.
“I am excited, however, to see all these great
athletes I only see on TV. But I don’t want to be that
guy who is in the Olympics just to see other
athletes and get pictures and autographs,” aniya.
“I want to compete, too, and take the races
seriously,” dagdag nito.
“I just try not to think about it too much so I don’t
lose sleep over it. I don’t think I’ve fully realised the
fact that I’m going to compete again in the
Olympics yet, though. Perhaps when I get there, or
maybe even after I do my swimming, the fact will
settle in,” pahayag ni Molina.
Sinabi rin nito na mas huhusayan pa niya ang
kanyang performance kumpara sa nagawa niya
noong 2004 Olympics nang magtala siya ng 2:
05.28 upang pumangatlo sa kanyang heat sa 200
IM.
Ang ibang kasamahan ni Molina sa national
swimming team ay tutungo naman sa China para
magsanay kasama ng kanilang coach.
Mahabang panahon ang gugugulin ng mga
trainees sa Guangdong province.

Bunga ng
pagkakakwalipika
ni Molina,
kasalukuyang
nagsasanay sa
Estados Unidos, sa
2008 Olympics,
umangat ang
kanyang
pandaigdigang
ranking sa 24th
mula sa dating
puwesto na 30th.
All rights reserved. Filipino Globe
|
|
|
Nagkwalipika si Miguel Molina sa pamamagitan ng puwesto niya sa world championships.
|
|
search this site
MAIN NEWS PHILIPPINES
filglobe.com
filipino globe online edition
Prinsipe ng swim sabak sa US training
|
|
LAUNCH EDITION Click on image to view our flagship monthly publication
|
|
|
PRESS RELEASES Click on image to submit press release or pictures of events
|
|
|
THE BIG PICTURE Click on image to submit your photo or essay
|
|
|
|
Click on image to submit your questions
|
|
Jun Cañete is a
man of many
talents
HK-based artist
Ferraris breaks
into art scene
in Pennsylvania
|
|
Duty Free Shops Philippines
|
|
|
Golden Gate Wine Ltd Hong Kong
|
|
|
Hesei Finance and Credit Co Hong Kong
|
|
|
Her Highness Properties Philippines
|
|
|
|
Janet & Grace beauty Salon Hong Kong
|
|
|
J&D Health Concepts Hong Kong
|
|
|
JT Hong Kong Jumbo Tours Hong Kong
|
|
|
|
Moneygram Money Transfer Hong Kong
|
|
|
Orient First Capital Hong Kong
|
|
|
PNB Remittance Center Ltd Hong Kong
|
|
|
|
PLDT Smart Padala Hong Kong
|
|
|
Prime Credit Hong Kong
|
|
|
Prime Gold Hong Kong
|
|
|
|
SmarTone Barkadahan Hong Kong
|
|
|
WOW Philippines Department of Tourism
|
|
|
Xocai Chocolates Philippines
|
|
BPI Remittance
Center Ltd
Hong Kong
AFreight
Door-to-door
Hong Kong
|
|
Strong peso hurting OFW families Surging currency means lower proceeds for fixed remittances
|
|
|
Army steps up Sayyaf hunt Military intensifies crackdown after receiving heads of rebels' victims
|
|
|
Sitio Remedios: A step back in time How a native son built a charming heritage village of his childhood
|
|